kasambahay-dead-body
By

Guwardiya patay sa nakaaway na driver

Sharing is caring!

Patay ang isang security guard makaraang barilin ng driver na sinaksak naman ng una nang mang-krus muli ang kanilang landas at maungkat ang dating alitan sa Pasay City, nitong Biyernes ng gabi.

Dead-on the-spot ang biktimang si Rodrigo Pable Opinaldo, 45-anyos,may asawa, security guard, at residente ng Atayde Street, Block 5, Electrical Road, Barangay 191, Pasay City,sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa katawan.

Agad namang sumuko sa awtoridad ang suspek na si Joel Zabala Lerios, 50-anyos, AP cargo driver na kapit-bahay lamang ng biktima. Siya ay kasalukuyang ginagamot sa Pasay City General Hospital sanhi ng malalaim na saksak ng patalim sa katawan.

Sa inisyal na ulat ng Southern Police District (SPD), dakong alas- 11:11 ng gabi ng maganap ang duwelo sa pagitan ng biktima at suspek sa Atayde St., Block 5, Electrical Road, sa Bgy. 191 ng naturang lungsod.

Bagama’t magkapit-bahay lamang umano ang biktima at ang suspek ay hindi nagkikita ang dalawa subalit ng muling mag-krus ang kanilang landas ay nagpasaringan ang mga ito hanggang sa maungkat umano ang matagal nilang away.

Habang nagtatalo ang dalawa ay bumunot ng baril ang suspek at binaril si Opinaldo subalit nakatakbo pa ang guwardiya sa loob ng bahay bagamat duguan.

Sa pagresbak ay armado na ng patalim ang biktima at pinuntahan ang suspek sa bahay nito at doon ay inundayan ng saksak, bago nalagutan nang hininga ang guwardiya.

Nagtungo naman ang sugatang suspek sa tanggapan ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Pasay City Police upang sumuko, na agad namang dinala ng mga pulis sa malapit na ospital. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?