52

Oct 7, 2021 @ 21:17
By

Guwardiya ng 7/11 walang awang pinatay

Nanggigil ang mga netizen sa pagpatay sa guwardiya ng isang convenience store na nakunan ng CCTV.

Sa Facebook, ibinahagi ni Arjoreen Tanzon ang footage ng CCTV kung saan binaril ng suspek sa dibdib ang guwardiya umano ng 7/11.

Nang duguang humandusay ang kawawang guwardiya ay kinuha ng isang suspek ang baril ng una.

“Kawawa naman si kuyang guard hustisya para sa knya at sa pamilya nya,” saad ni Tanzon.

“Mga hayup tong mga to sana sumunod na kayo mamatay sunugin sana sa impyerno yang mga kaluluwa nyo. RIP manong guard ang bait pa naman nyan,” dagdag niya.

Ilang nakapanood ang nag-comment at nagalit na parang pusa raw na pinatay ang guwardiya.

“Grabe bitayin yang mgkksama n yan prng pumatay lng ng pusa,” sey ni Aeshiteru.

Narito ang comment ng iba pang netizen:

MHeann : “Sana nga mahuli yang mga yan pinatay nila ung nagtatrabaho ng maayos sana sarili nalang nila pinatay nila.”

Lorna: “Kawawa naman ung guard beks taena mga siraulo di magtrabaho ng matino mga hayuufff.. Kagigil. Kwawa naman c kuya guard.”

Maribel: “Mga hayop ung mga ganyan tao parang wala lng sa knila ang Pumatay ng tao.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,