154
Guwardiya na suspek sa pagpatay ng dalagitang nakita sa septic tank, sumuko
By

Guwardiya na suspek sa pagpatay ng dalagitang nakita sa septic tank, sumuko

Kusang-loob na sumurender ang school guard na suspek sa pagpatay sa 14-anyos na babae na natagpuan sa septic tank ng isang paaralan sa Danao City, Cebu noong Abril 8.

Ayon sa ulat, sumuko si Jessie Medequillo, 34-anyos, sa mga pulis sa Tuburan pasado alas-singko ng madaling-araw nitong Biyernes.

Si Medequillo ang security guard ng Cogon Cruz Integrated School sa Barangay Cogon Cruz kung saan nakita ang bangkay ng biktimang si Thesa Marie Ygay.

Ililipat umano si Medequillo sa kustodiya ng Danao City Police Station.

Samantala, tinitingnang motibo sa krimen ang personal na galit ng suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?