130

By

Guwapong kambing, pinag-usapan online

Viral ang mga litrato ng isang kambing mula sa Perak, Malaysia na “handsome” ang itsura.

Ayon sa nag-post na Muhammad Livestock Farm page, kabilang si “Remus” sa inaalagaan nilang kambing.

“Because he’s handsome, we snap a lot of pictures. Young again only 11 months old,” sabi sa post kapag sinalin sa wikang English.

Kanya-kanya ring post sa comment section ng mga pogi nilang alagang kambing ang mga nakakita.

Nasa 4,000 shares; mahigit 1,700 comments at 1,800 likes na ito mula nang mai-post noong July 6.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?