20

Sep 8, 2021 @ 14:56
By

Gutom yan? Kelot nilunok cellphone sa Kosovo

Nabalot ng pagtataka ang isang ospital sa Pristina, Kosovo matapos magpunta sa kanila ang isang 33-anyos na lalaki dahil sa sakit ng tiyan.

Nang isailalim ang pasyente sa X-ray at endoscopy, dito na lumantad ang dahilan ng sakit sa kanyang tiyan – isang de-keypad na cellphone ang kanyang nilunok.

Ibinahagi ng doktor na si Skender Telaku ang imahe na kuha ng x-ray at endoscopy kung saan kita ang kulay pink na cellphone na nagkahiwalay na sa tatlong parte.

Ayon sa doktor, lubos nilang ikinabahala ang baterya ng gadyet dahil sa mga kemikal na nakapaloob dito.

Matapos ang mahigit dalawang oras na operasyon, buong-buo na nakuha ang cellphone.

Hindi naman daw isiniwalat ng lalaki kung bakit niya nilunok ang cell phone.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?