122

Nov 8, 2019 @ 16:09
By

Gutom na! 53 NPA member sa Nueva Ecija, sumuko

Dahil pagod na umano sa pakikipaglaban sa gobyerno at gutom ang inaabot sa kabundukan, sumuko na ang 53 na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Carranglan, Nueva Ecija noong Miyerkoles.

Ayon kay PA 7th Infantry Division commanding officer Lt. Col. Honorato Pascual Jr., ang ginawang pagsuko ng mga rebelde ay naging joint effort ng 8th Infantry Battalion, 7th Civil Military Operation Battalion, Barangay Peace and Order Council at Barangay Task Force.

Ayon kay Pascual, sinabi umano ng mga rebelde na nagbalik-loob, na pagod na sila sa pakikipagbakbakan sa tropa ng gobyerno na hindi naman nila alam ang tunay na layunin dito.

“They are tired of fighting for a useless and pointless cause,” ani Pascual.

Dagdag pa ng mga rebelde, halos wala na silang makain sa bundok dahil pinapabayaan sila ng namumuno sa kanila.

Inaasahan naman ni Pascual na mas marami pang rebelde ang susuko sa kanilang nasasakupan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?