14,332
Gutoc sa ‘DDS’: Walanghiya kayo kapag hindi sumama sa People Power anniv
Feb 23, 2019 @ 18:13
By

Gutoc sa ‘DDS’: Walanghiya kayo kapag hindi sumama sa People Power anniv

Nanawagan si Otso Diretso senatorial candidate Samira Gutoc sa mga “Diehard Duterte Supporter” o “DDS” na makiisa sa selebrasyon ng ika-33 anibersaryo ng People Power Revolution sa Pebrero 25.

Sigaw ni Gutoc sa harap ng crowd na nagtipon sa People Power Monument sa EDSA, “Hoy, mga DDS, sumama na kayo dito sa People Power. Pilipino din kayo, tao din kayo, babae din kayo, may ina din kayo.”

Aniya, “walanghiya” umano ang mga DDS kung sasabihin ng mga ito na hindi sumasama dahil hindi iyon pang-DDS.

Binanatan din ni Gutoc ang war on drugs ng administrasyon.

“Sa bawat namatay sa tokhang niyo, Presidente Duterte, sana hindi kayo magigising sa iyak ng isang ina na hindi mo man lang binisita dahil namatay (ang anak) sa tokhang mo,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?