143

Sep 27, 2021 @ 11:59
By

Gutoc, Balita sasabak sa senatorial race

Muling sasabak sa senatorial race sa 2022 si dating Otso Diretso candidate Samira Gutoc habang bagong pangalan naman si Carl Balita sa darating na halalan.

Ayon sa ulat, sina Gutoc at Balita ay pasok sa senatorial slate ng partidong Aksyon Demokratiko.

Ang dalawa umano ay inonomina sa virtual national assembly ng partido ngayong Lunes ng hapon.

Si Gutoc ay isang kilalang civic leader sa Marawi City, ngunit nabigong manalo noong 2019 senatorial elections, samantalang si Balita ay isang radio show host at negosyanteng namumuno sa Carl Balita Review Center.

Kaugnay pa nito, sinabi ng chairman ng Aksyon Demokratiko na sina Gutoc at Balita ay parte ng paglago ng partido, na magpaparada ng nasa 600 kandidato para sa lokal at nasyonal na posisyon sa 2022. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?