368

Mar 13, 2020 @ 15:05
By

Gustong pumunta sa Manila: 2 sinusuri sa COVID-19, tumakas sa quarantine

Dalawang persons under investigation (PUI) sa coronavirus ang tumakas sa quarantine area sa probinsya ng Sarangani.

Ang dalawang pasyente ay sinasabing magkapatid, ayon sa report ng pulisya.

Nakarating umano ang dalawang PUI sa Davao, at nais sanang pumunta sa Maynila, ngunit kaagad na nahanap ng pulisya sa isang hotel nitong Biyernes.

Kasalukuyan namang nasa Southern Philippines Medical Center sa Davao ang dalawa at doon naka-quarantine.

Nitong Huwebes naman ay isang COVID-19 patient ang tumakas sa San Juan City dahil gustong lumipat ng ospital.

Lulan ang kanyang sasakyan ay tinakasan nito ang kanyang police escort, kung saan umabot ng dalawang oras ang habulan.

Kusa namang sumuko ang pasyente matapos makarating sa isang ospital sa Metro Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?