37

Jul 26, 2021 @ 12:03
By

Gustong pretty mga tegi! Rabiya pangarap maging punerarya owner

From beauty queen, maging ganap na kayang funeral parlor owner si Rabiya Mateo?

Nilantad kasi ng Miss Universe Philippines 2020 title holder na isa sa kanyang pangarap na negosyo ay magkaroon ng sarili niyang punerarya.

Sa kanyang vlog, pinaliwanag ni Mateo na kaya nais niyang magkaroon ng punerarya ay para masigurong pretty pa rin ang mga bangkay.

“Isa sa gusto kong business na itayo in the future is punerarya. Hindi naman natin hinihingi yun (pagkamatay), di ba? That’s the cycle of life,” sey ni Rabiya.

Napapansin daw kasi niya na nilalagyan lang ng foundation at kinikilayan lang ang mga bangkay sa kanilang probinsya.

“Gusto ko magkaroon ng punerarya at gusto ko maganda yung makeup ng mga kliyente ko,” sambit pa ng beauty queen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?