9,576

Jun 21, 2020 @ 11:06

Gustong mang-rape kay Frankie, na-hack lang daw

May isang netizen na pinagtanggol si Sonny Alcos o Sonny Co, ang lalaking umano’y nagsabing hahalayin si Frankie Pangilinan kung 12 anyos lang ito.

Matatandaang sinabi ng nanay ni Frankie, si Sharon Cuneta, na hahantingin niya ang lalaki.

Pero, giit ni Facebook user Rochelle Dominguez, “MR CO’s Account was hacked he did not post such remark.”

Kwento ng netizen, matagal na niyang kilala ang pamilya Co.

“I know their family since grade school. Sana di mavictimize ng hackers family nyo and di nyo ma experience yung ma eexperience nila. GOD BLESS po,” aniya pa.

‘Di naman naniniwala ang ilang Twitter user sa sinabi ni Dominguez.

“Pasalamat ka iha, kung ang edad ko 12 yrs. old pataas Magtago ka na sa tatay mong senador Kiko Matsing Pangilinan dahil hahanapin kita para gahasain. Tapos sisihin mo tatay mo, dahil hindi ako makukulong,” sabi umano ni Alcos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?