50

Oct 6, 2021 @ 20:47
By

Gustong maging pangulo pumalo na sa 41

Umabot na sa 41 ang kakandidato sa pagka-pangulo sa 2022 elections, sa ikaanim na araw ng paghahain ng certificates of candidacy (COC), ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, siyam naman ang tatakbo sa pagka-bise presidente, 63 sa pagka-senador at 125 sa party-list organization.

Kabilang sa mga kilalang personalidad na naghain ng COC para sa pagka-presidente sina Senador Panfilo Lacson, Manila Mayor Isko Moreno, Senador Manny Pacquiao, dating senador Bongbong Marcos at dating Defense Secretary Norberto Gonzales.

Ilan naman sa vice presidentiable ay sina Senate President Tito Sotto, Doc Willie Ong, Rep. Lito Atienza at Senador Bong Go.

Samantala, ang mga naghain ng COC para sa pagka-senador ay kinabibilangan nina Loren Legarda, Chiz Escudero, Risa Hontiveros, Raffy Tulfo, JV Ejercito, Jinggoy Estrada, Samira Gutoc, Robin Padilla, Mark Villar, Larry Gadon, Migz Zubiri, Monsour del Rosario, Herbert Bautista at Joel Villanueva.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?