133

By

Gusto ng selfie! Youtube star Bretman Rock ginulo ng mga fan sa burol ng tatay

Nakiusap ang Youtube sensation na si Bretman Rock na huwag na muna siyang puntahan ng mga fan sa burol ng kanyang tatay.

Nag-post si Bretman sa Twitter kung saan nanghingi siya ng privacy at hayaan muna siyang magluksa sa pagkamatay ng kanyang tatay.

“I’m here in the Philippines for my dad who just passed, don’t come to my house and ask me for pictures.. so many people showed up to my dads funeral uninvited and started taking pics of my dad and my family,” ayon kay Bretman.


“I just don’t understand why people think it’s okay to ask me for pictures when my eyes are literally swollen from crying … how you gonna say “condolences , can we take a picture ?” aniya pa.

Noong Nobyembre 6 ay nagtungo ang Hawaiian-based beauty influencer sa Pilipinas para bisitahin ang amang nasa kritikal na kondisyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?