49

Feb 19, 2021 @ 12:07
By

Gusto ng bagong baby: Misis ni Beal nag-iinit!

Tuparin kaya ni Bradley Beal ang kagustuhan ng kanyang misis na masundan agad ang kanilang baby?

Sa tweet ni Kamiah Adams-Beal, sinabi nito na tingin niya’y handa na siyang muling bumuo ng supling para sa ikatlong baby nila ng Washington Wizards star.

“I think I’m ready to go half on another baby,” sambit ni Kamiah.

Nag-react naman si Beal sa Twitter, ngunit hindi klaro kung gusto niya ang balak ng kanyang misis.

2018 noong maging tatay si Beal, at sa kasunod na taon ay nagkaroon agad ng baby No. 2 sa kanilang pamilya.

Isa namang good news ang natanggap ng NBA guard matapos na makasama sa All-Star starter para sa Western Conference, ang kanyang kauna-unahang starting role para sa naturang event.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?