35

Apr 4, 2020 @ 23:45
By

Gusto ko maging bahagi ng solusyon’ Ronnie Liang naghatid ng mga medical worker

Tulad ng maraming celebrity, kaisa rin ang singer na si Ronnie Liang sa mga tumutulong ngayon sa pagharap ng coronavirus outbreak.

Pero dahil army reservist din siya, naging kakaiba ang paraan ni Ronnie para makatulong sa mga medical worker.

Ayon kay Ronnie, sa nakalipas na linggo, na-assign na ito para mag-escort sa mga medical worker sa mga ospital.

Aniya natakot din umano siya na mahawa ng virus, pero dahil sa kagustuhan niyang makatulong ay ginusto nitong mapasama sa frontline.

“I want to help, contribute, and be part of the solution in fighting against COVID-19, while preserving our force by serving those who served. Let’s unite against a common, invisible enemy,” sabi ni Ronnie.

Bukod dito, nag-donate din si Ronnie sa mga army hospital ng mga grocery at unan sa pakikipagtulungan ng APG International Aviation Academy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?