40

May 12, 2021 @ 14:15
By

Gusto ipatanggal bilang party-list: Gabriela hindi takot sa NTF-ELCAC

Hindi natitinag ang Gabriela Women’s Party sa mahigit isang dosenang testigo na iniharap ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) upang sila ay maalis sa party-list election sa 2022.

Naniniwala si Assistant Minority Leader at Gabriela Rep. Arlene Brosas na desperado na ang NTF-ELCAC kaya mahigit isang dosena ang dinala nitong testigo sa pagdinig ng Commission on Elections Second Division noong Martes.

Sinabi ni Brosas na nais ng NTF-ELCAC na agawin ang atensyon nito sa pagtaguyod ng panukalang P10,000 cash assistance sa bawat pamilya at pagbatikos sa kapalpakan ng gobyerno sa paglaban sa pandemya.

“Sa mga nagdaang taon, napakarami ng kasong isinampa laban sa amin ng mga nakaraang administrasyon pero lahat ito ay ibinasura dahil napatunayan na gawa-gawa lamang ang mga ito. Desperado silang busalan ang kababaihan sa Kongreso,” sabi ni Brosas.

Inakusahan ng NTF-ELCAC ang Gabriela na tumatanggap ng foreign funding at pagtaguyod ng bayolenteng adbokasiya.

“But we, along with the Filipino women and people, will not be afraid to go head-to-head with this vicious red-tagging machinery. Hindi magtatagumpay ang kasinungalingan, kadiliman at klima ng takot sa pagkitil sa boses ng kababaihan at mamamayan,” dagdag pa ng lady solon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?