181

Dec 13, 2017 @ 15:03
By

Gusali para sa mga batang may kapansanan, tapos na ng DPWH

Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang isang 3-storey building sa Quezon City na idinisenyo para matulungan ang mga batang may kapansanan.

Batay sa inilabas na report ng DPWH main office sa Maynila, sinabi ni NCR Director Melvin Navarro na P15 milyon ang kabuuang halaga na inilaan sa pagpapatayo ng Kabahagi Resource Center Building sa Batasan-San Mateo Road–IBP Road, Brgy. Batasan Hills, District II, Quezon City.

Dagdag pa ni Navarro, matutulungan ng nasabing tanggapan ang Quezon City na makapagbigay ng mas maayos na social services na kailangan para mas maiayos ang health, physical fitness, economic at social well-being ng mga kabataang may kapansanan.

Ang Kabahagi Resource Center Building ay kayang tugunan ang may 100 na mga batang may kapansanan. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?