311

Mar 18, 2020 @ 9:32
By

Gusali ni Villar may COVID-19: CNN PH ‘di muna eere

Pansamantalang hindi eere ang CNN Philippines matapos may magpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa kanilang workplace.

Sa kanilang pahayag sa Facebook ngayong Miyerkoles, Marso 18, 2020, sinabing may isang kumpirmadong kaso sa Worldwide Corporate Center ni dating Senador Manny Villar. Doon nakapwesto ang naturang media company.

Gayunman, patuloy pa rin anila silang magbabalita sa kanilang website at mga social media platform.

“Today, we received word that there is one confirmed case of the coronavirus at Worldwide Corporate Center along Shaw Boulevard in Mandaluyong, where CNN Philippines is located,” wika ng CNN PH.

“As a result, the management of Worldwide Corporate Center will disinfect the premises as soon as possible. That means we will be off the air for at least 24 hours,” sabi pa ng kompanya.

Sa ngayon, 187 na ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas: 14 dito ang pumanaw habang apat ang gumaling

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?