31
Mike Velarde
By

Gusali ni El Shaddai leader Mike Velarde, nasunog

Sharing is caring!

Posibleng pagpaliwanagin ng Bureau of Fire Protection si El Shaddai leader Bro. Mike Velarde kaugnay sa nasunog na pag-aari niyang commercial building sa Parañaque City kaninang madaling-araw.

Napansin ni Parañaque City Fire Supt. Robert Pasis na walang water sprinkler system ang establisimiyento sa Barangay San Dionisio.

Nagsimula ang sunog pasado alas-12:00 ng madaling-araw at tumagal ito ng halos apat na oras.

Sinabi ni Velarde na may 100 umuupa sa kanyang gusali, na may lawak na 40,000 square meters.

Sa pagtataya din ng charismatic leader, maaaring umabot sa P40 milyon ang halaga ng pinsalang idinulot ng sunog, na umabot sa 5th alarm.

Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?