13

Jan 8, 2021 @ 13:55
By

Gus Abelgas: Natural na sadista ang mga tao

Krimen ang mabentang panuorin ng mga tao, ayon sa beteranong journalist na si Gus Abelgas.

Sa panayam ng ‘Jigo Live’ sa Abante Radyo Tabloidista sa ‘Scene of the Crime Operatives (SOCO)’ anchor, sinabi nito na nasanay na siya sa mga patayang nakikita tuwing siya’y nagko-cover.

“Human by nature is sadista ang tao,” kwento ni Abelgas sa kanyang nababanggit sa mga estudyante tuwing lecture.

“Ang gustong makita ng tao, yung naghihirap ang kapwa tao.”

Madalas din niyang tinatanong ang mga estudyante kung anong mas gusto nilang panuorin, ‘yung naghahabulan ng saksak o inauguration ng isang building?’

“Sasabihan nila, ‘Sir yung naghahabulan ng saksak,'” lahad ni Abelgas.

Aniya, sa kanyang trabaho sa police beat, aabot na sa pitong suspek ang kanyang napasuko, isa dito ay may kaugnayan pa sa Marikina rape-slay case noong 1993.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?