60

May 7, 2021 @ 12:37
By

Guro todas sa tuklaw ng ahas

Patay ang isang guro matapos itong matuklaw ng isang ahas sa loob ng paaralan.

Ayon sa report ng ‘Balitang Amianan’ sa GMA Regional TV, nasawi si Rizza Laureano nang makagay ng isang Philippine cobra sa San Luis, Aurora.

Kuwento ng kapatid ng biktima, palabas ng CR si Rizza nang hawiin nito ang kurtina, at dito tumambad ang ahas na nanuklaw sa kanya.

Dinala sa ilang ospital ang biktima, na 49-anyos, ngunit wala umanong anti-venom ang mga pasilidad doon.

Nasawi ang biktima makalipas ang tatlong oras.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,