0
views

By

Guro ng DepEd-ARMM itinumba sa Cotabato

Sharing is caring!

Hinahanting na ng mga awtoridad ang nag-iisang gunman na pumatay sa isang guro at empleyado ng Department of Education-Autonomous Region in Muslim Mindanao (DepEd-ARMM) sa Cotabato City kahapon, Hulyo 13.

Ayon sa report, naglalakad sa kanto ng Japal Guiani at Jose Lim Sr. Sts., alas-5:30 ng hapon si Dr. Nasser Gayak, 40, staff teacher ng DepEd-ARMM, nang lapitan siya mula sa likuran ng suspek at pagbabarilin.

Naitakbo pa sa ospital ang biktima pero idineklarang dead on arrival ng attending physicians dahil sa tatlong bala na tinamo nito sa ulo at katawan.

Batay sa mga nakasaksi, bigla na lang umanong naglaho sa gitna ng nagkakagulong mga tao ang gunman, na nakasuot ng baseball cap at may sukbit na kalibre .45 na baril sa beywang.

Kasalukuyan pa umanong iniimbestigahan ang krimen habang isa sa nakikitang motibo sa pagpatay ay may kinalaman sa trabaho ng biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?