6

Jul 29, 2020 @ 19:16
By

Guro nagpositibo, eskuwelahan ni-lockdown

Sapul ng coronavirus disease ang presidente ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC)-Metro Manila chapter.

Naging dahilan ito para isara ang Manuel A. Roxas Senior High School sa Maynila, na siyang pinapasukan ni Ildefonso “Nono” Enguerra III.

Sumailalim si Enguerra sa swab test noong July 22 matapos dumanas ng mga sintomas ng respiratory disease.

Pumasok daw si Enguerra sa eskuwelahan noong July 14 para gumawa ng performance rating at mag-training sa paggamit ng Google Classroom.

Makalipas ang ilang araw ay nakaramdam na raw ito ng mga sintomas ng virus kabilang ang lagnat, sore throat, kawalan ng pang-amoy at walang ganang kumain, ayon sa TDC.

Kasalukuyan nang naka-home quarantine sa Marilao, Bulacan si Enguerra.

Sa Facebook post, inanunsyo ang pag-lockdown sa paaralan hanggang Agosto 3 para sa disinfection.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?