10
teacher2
By

Guro na OFWs sa HK, puwedeng magturo sa China – Duterte

Sharing is caring!

May pagkakataon ang mga overseas Filipino worker (OFWs) sa Hong Kong na magturo bilang English teachers sa China matapos buksan ang pintuan para sa Filipino English teachers.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabibigyan ng prayoridad ang OFWs na nagtapos ng edukasyon na makapagtrabaho sa China dahil 100,000 ang kailangan ng mga Chinese.

Batid ng Pangulo na marami sa mga Pinoy na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang domestic helpers ay tapos ng kolehiyo at ang iba sa mga ito ay mga guro.

“Those of you who are here in Hong Kong who are qualified to teach, you might also be given priorities. Nandito na kayo eh. ‘Yung mga English teachers. Marami kayo,” anang Pangulo.

Mula sa biyahe sa China ay dumiretso ang Pangulo sa Hong Kong noong Miyerkules at Huwebes at ibinalita sa OFWs ang mga nangyayari ngayon sa Pilipinas, pati na ang naging bunga ng kanyang China trip.

Isa sa mga nalagdaang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China sa biyahe ng Pangulo ay ang pagbukas ng oportunidad para sa mga Filipino English teachers.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, mataas ang alok na sahod ng China para sa mga Filipino English teachers na $1,200 o mahigit P60,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?