143

May 19, 2020 @ 20:48
By

Guro na nag-alok ng P50M reward sa papatay kay Duterte, pinalaya

Nakalaya na ang public school teacher na inaresto matapos mag-alok sa social media ng P50 milyon sa sinumang papatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Alliance of Concerned Teachers Secretary General Raymond Basilio, napalaya si Ronnel Mas matapos magbayad ng P72,000 na piyansa ang kanyang pamilya.

Inilabas ng Regional Trial Court Branch 72 ang release order nitong Martes.

Itinakda naman ang arraignment at pre-trial kay Mas sa Mayo 28.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?