74

By

Guro na magpapadala ng estudyante sa rally, sibakin – Bato

Dapat umanong tanggalin ang mga titser na magkakansela ng klase at hihikayatin ang kanilang mga estudyante na sumali sa mga rally, ayon kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Aniya, pinapapasok umano sa paaralan ng mga magulang ang kanilang mga anak para maging professional at hindi para kalabanin ang gobyerno.

Reaksyon ito ni Dela Rosa sa ginawang pagsisiyasat ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na kanyang pinamumunuan, tungkol sa pagkawala ng mga estudyante na ni-recruit ng makakaliwa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?