17

Oct 17, 2020 @ 9:26
By

Guro ginilitan ng leeg dahil sa cartoon

Patay ang isang history teacher matapos itong gilitan sa leeg gamit ang kitchen knife dahil lang sa pinakita nitong caricature sa kanyang mga estudyante.

Isang 18-anyos na lalaki ang pumaslang sa 47-anyos na history teacher sa Paris matapos nitong ipresenta sa klase ang cartoon ni prophet Muhammad, na hindi nagustuhan ng ilang magulang.

Bandang alas-5 ng gabi nitong Biyernes nakita ang katawan ng guro sa labas ng eskuwelahan sa Yveslines, at dito rin namataan ang suspek kung saan tumanggi ito sa pag-aresto.

Dahil dito’y napilitan paputukan ang naturang suspek dahil sa umano’y pang-aamba nito sa mga pulis.

Nilarawan ni French president Emmanuel Macron ang nasabing pagpatay sa teacher bilang ‘Islamist terrorist attack’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?