45

Jun 23, 2020 @ 16:31

Gurang na coach iingatan ni Kume

NANGAKO si commissioner Willie Marcial na mas magiging maingat sila sa mga elder statesmen ng PBA sakaling maituloy ang season na biglang pinutol ng coronavirus pandemic noong March.

Mas mahigpit na protocol ang ilalatag sa mga nasa kategorya na ng senior citizens.

“Kapag naglaro na tayo, ‘yung mga pwedeng hindi na pumunta huwag na,” ani Marcial. “Pero ‘yung mga kailangan talaga sa laro, pwede basta doble-ingat sila.”

Hagip nito ang mga pawang 61 pataas nang sina coach Norman Black ng Meralco, Leo Austria ng San Miguel Beer, Tim Cone ng Ginebra at Yeng Guiao ng NLEX.

Apektado rin ang mga nasa 60 nang sina Terrafirma (dating Columbian) team manager Joe Lipa, Blackwater assistant coach Bogs Adornado at SMB veteran utility Raffy Hanopol.

Base sa general community quarantine, hindi pinapayagang lumabas sa publiko ang mga senior citizens at persons with disability na kasama sa mga madaling mahawaan ng COVID-19.

Pumayag naman daw ang 12 teams sa plano. (VE)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?