354

Jan 5, 2019 @ 22:05

Gunman sa Batocabe slay, asset ng pulis hindi NPA

Hindi umano kailanman naging miyembro ng New People’s Army (NPA) ang umaming pumatay kay Rep. Rodel Batocabe na si Henry Yuson.

Sa pahayag sa media ng tagapagsalita ng NDF-Bikol na si Ka Ma Roja Banua, sinabi nitong ang pahayag umano ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde ay bahagi ng malisyoso at paulit-ulit na pakana sa pilipit at baluktot na pagdawit umano sa rebolusyonaryong kilusan at sa NPA sa pagpatay kay Batocabe.

Aniya, kasinungalingan umano ang pahayag ng hepe na kasapi ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) o NPA si Yuson dahil ito umano ay aktibong miyembro ng CAFGU sa ilalim ng 22nd Infantry Battalion Bravo Company na nakabase sa Brgy. Bonga, Ligao, Albay.

Si Yuson umano at mga kapatid na sina Andy at Arnel ay mga aktibong ahente rin ng militar na sumusunod sa atas ng AFP at PNP.

Nagsilbi rin umano si Yuson na giya para sa mga tropang militar sa operasyon nito kontra terorista. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?