189

Dec 17, 2018 @ 18:11
By

Gun supplier ng mga private army, timbog

Bumagsak sa kamay ng National Capital Region Police Office ang itinuturong nagsu-suplay ng mga baril at bala sa mga private armed group (PAG).

Iprinisinta kay Philippine National Police Chief Oscar Albayalde ang mag-asawang sina Edgardo at Rosemarie Medel ng Landville Subd., sa Barangay Pambuan, Gapan, Nueva Ecija.

Naaresto ala-6:30 kagabi ng NCRPO-Regional Special Operations Unit ang mag-asawa sa isang entrapment operation sa isang gasolinahan sa NLEX, Valenzuela City.

Ayon kay Albayalde, mula pa sa impormasyon mula sa kanilang unit sa Mindanao ang naging daan para maaresto ang mag-asawa.

Unang nagkasa ng test-buy para sa mga bala ang mga pulis at inalok sila ni Medel ng mga matataas na kalibre ng baril sa halagang P1.2 milyon.

Nagpakita ng interes ang mga pulis at sinabing kailangan nila ng mga baril at bala para sa nalalapit na eleksyon.

Nakumpiska sa mag-asawa ang dalawang assault rifles, isang handgun at higit 12,000 bala para sa M-60 light machine gun at M-16 Armalite rifle.

Sinabi ni Albayalde, aalamin nila, katuwang ang Armed Forces of the Philippines, ang pinagmulan ng mga baril at bala.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?