45

Nov 9, 2017 @ 18:23
By

Gun runner, timbog sa Taguig

Isang hinihinalang ‘gun runner’ sa Taguig City ang buwena-mano sa ipinatutupad na gun ban kaugnay sa ASEAN Summit.

Dakong alas-5:20 kamakalawa ng hapon nang arestuhin si Angelito Nazario, 52, sa kanyang bahay sa Barangay Ususan, ng mga tauhan ng District Intelligence Unit ng Southern Police District.

Isang pulis ang nagpanggap na bibili ng .38 revolver na baril kay Nazario sa halagang P4,000.

Nang matanggap na ng suspek ang marked money ay inaresto na siya at kinumpiska din sa kanya ang tatlong bala para sa ibinentang baril, ang marked money at ang kanyang cellphone.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms Law) at paglabag sa gun ban si Nazario. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?