baril
By

Gun runner timbog sa Cavite

Sharing is caring!

Isang hinihinalang gun runner ang napatay habang nakatakas ang kasama nito matapos maharang ng mga awtoridad ang iligal na transaksiyon ng mga ito sa Dasmariñas City, Cavite nitong Miyerkules.

Kinilala ang napatay na si Jomar Manalo, alyas Macky Boy, 29, habang ang nakapuslit nitong kasabwat ay si Johnrey Allas.

Ayon sa report, nakatanggap ang mga pulis ng isang “tip” tungkol sa bentahan ng iligal na mga baril sa Barangay San Lorenzo 1.

Agad itong pinuntahan ng mga operatiba para maberipika pero agad na nagpulasan ang mga suspek sa lugar.

Hinabol ng mga awtoridad si Manalo sa loob ng bahay nito pero pinaputukan ng una ang mga pulis kaya ginantihan siya ng putok.

Narekober sa suspek ang isang kalibre .38 na baril, improvised shotgun at limang sachets ng shabu.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa mga parokyano ng mga suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?