18
guns
By

Gun ban violators umakyat na sa isang libo – PNP

Sharing is caring!

Umabot na sa 1,157 indibidwal ang naaresto ng Philippine National Police dahil sa paglabag sa umiiral na gun ban.

Base sa rekord ng PNP karamihan sa mga lumabag ay mga sibilyan kasama na rito ang anim na pulis at anim na sundalo.

Aabot naman sa kabuuang 996 na mga baril ang kanilang narekober mula sa mga naaresto habang 7,000 mga patalim at iba pang nakakamatay na bagay ang kanilang nakumpiska.

Naaresto ang mga gun ban violators at nakumpiska ang mga baril at patalim sa ibat ibang operations katulad ng checkpoint at pagsalakay ng PNP.

Ang gun ban ay nagsimula noong April 14 na magtatagal hanggang June 14 kaugnay sa gaganaping Brgy at Sangguniang kabataan election sa May 14, 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?