53
views
gun-ban
By

Gun ban, signal jamming, no fly zone ipapatupad sa Traslacion 2018

Sharing is caring!

Ipapatupad ng Philippine National Police ang gun ban, no fly zone at pagkawala ng signal  para sa gaganaping traslacion ng itim na Nazareno sa January 9, 2018.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Police Director Oscar Albayalde ipapatupad ang gunban sa buong Maynila mula January 8 hanggang January 10, 2018.
Ang Liquor ban ipapatupad sa Sta Cruz at Quiapo area na dadaanan ng prusisyon mula January 8 hanggang January 10.
Ipapatupad rin ng PNP ang no fly zone at tanging mga drone ng PNP ang makikita sa himpapawid.
Aasahan din daw ng publiko lalo na ang mga nakatira sa mga dadaanan ng prusisyon ang pagkawala ng signal.
Maghihigpit rin ang PNP sa pagiinspeksyon ng mga bitbit na bag ng mga deboto.
Paalala rin ng opisyal sa mga deboto na huwag magdala ng malaking halaga sa pitaka at huwag magsuot ng alahas upang hindi malusutan ng mga magnanakaw.
Umaasa si albayalde na makikiisa at  susunod ang publiko lalo na ang mga deboto sa mga ipapatupad nilang patakaran.
Layunin aniya ng mga ipinatutupad na patakaran ay upang masigurong magiging payapa ang gaganapin traslacion ng itim na Nazareno.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?