gun-ban
By

Gun ban, mahigpit na tututukan ng PNP

Sharing is caring!

Mahigpit ang utos ng Philippine National Police (PNP) sa pagpapaigting ng election gun ban kasunod ng nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ayon kay PNP spokesman Chief Supt. John Bulalacao, kailangang matiyak ang seguridad ng mga botante maging ang mga kandidato laban sa mga mapangahas na magdudulot ng kaguluhan sa bansa.

Nabatid na nasa tatlong paglabag lamang ang naitala sa gun ban na nagsimula noong Biyernes na kung saan ay mayroong nahuling lumabag na taga- Batangas, Cadiz City at sa Bulacan.

Patuloy ang PNP sa pagmo-monitor sa mga probinsya at lalawigan na lumalabag sa nasabing kautusan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?