24

By

Gun amnesty program ng PNP, nakatakdang ipatupad

Sharing is caring!

Magpapatupad ang Philippine National Police (PNP) ng amnestiya para sa gun owners na matagal nang hindi nakakapag-renew ng lisensiya ng kanilang mga baril.

Kasunod ito ng pagdami na ng bilang ng loose firearms na para sa PNP ay nagagamit sa pagpatay ng mga kriminal.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, sa ngayon batay sa datos ng PNP Firearms and Explosive Office, mahigit isang milyon na ang mga baril na maikokonsiderang loose firearms.

“Number 1 kaya nga tayo nag-propose ng amnesty to encourage the owners nu’ng loose firearms lalo na ‘yung mga hindi talaga lisensiyado na firearms to encourage them to license and register their firearms, that’s one way ma-account natin itong more or less 1 million na estimate,” sabi ni Albayalde.

Kumpiyansa si Albayalde na kapag may amnestiya ay mahihikayat ang gun owners na i-renew ang mga lisensiya ng kanilang mga baril.

Ngayon pa lamang ay ipinahahanda na ni Albayalde sa gun owners ang requirements na kakailanganin para sa ipatutupad na amnestiya dahil mabilis na lang aniya ang pagpapalisensiya o pag-renew ng lisensiya ngayon dahil may one stop building na sa Camp Crame para iproseso ito. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?