97

Jan 3, 2020 @ 12:01
By

Gumaling sa sakit! Doncic inspirasyon ng batang may epilepsy

Pinatunayan ni Luka Doncic na mas higit pa sa basketball ang kanilang nahahatid na inspirasyon sa madla.

Sa laro ng Dallas Mavericks kontra Brooklyn Nets, isang bata ang nakita ng assistant coach ng koponan na mag karatulang nagsasabing hindi na siya nagkakaroon ng seizure sa nakalipas na siyam na buwan.

Isa raw sa nakatulong sa bata, na may ngalang Brayden Whitley, ay ang kanyang idolo na si Doncic.

Kaya naman agad na pinababa sa court ang bata at pinalapit kay Doncic.

Hindi naman nag-atubili ang NBA star at nagpa-picture sa kanyang fan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?