21

Sep 12, 2021 @ 19:35
By

Gumaling sa COVID lagpas 2M na

Sumampa na sa 2,010,271 ang lahat ng gumaling sa COVID-19 sa bansa ngayong Linggo.

Ito ay matapos makapagtala ang Health Department ng 25,049 na bagong galing mula sa virus.

Sa kabila nito, umakyat na rin sa 35,145 ang mga nasawi matapos bawian ng buhay ang 168 katao.

Ang mga bagong naitalang kaso naman ay 21,411, at ang kabuuang bilang ay pumalo sa 2,227,367.

Samantala, ang mga aktibong kaso ay 181,951.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: