146

By

Gumaling mula sa cancer: Pac-Man sinorpresa si ‘Little Pacquiao’

Isa si Manny Pacquiao sa mga living legend ng mundo ng boksing, at ilang buhay na rin ang naapektuhan ng ‘Pambansang Kamao’ dahil sa inspirasyong hatid nito.

Sa video ng Fox Sports, binalikan ang pagdarasal ni Pacquiao sa 4-anyos na si Jonah, na may malubhang sakit.

Binalikan ni Pacquiao ang bata, ngayon ay nakipagkita ng personal para masorpresa ng ilang mga regalo mula sa idolo.

“He was really struggling before 2016, and he asked me to pray, then I prayed,” ayon sa senador.

“Thank God because I Jesus healed his sickness, he’s cancer-free na.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?