34

Jun 3, 2020 @ 15:45
By

Gumabao inayudahan ang mga construction worker

Tuloy-tuloy pa rin sa pagtulong si Creamline Cool Smasher ace player Michele Gumabao para sa mga apektadong mamamayan at mga frontliner ngayong may coronavirus pandemic.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng Philippine SuperLiga (PSL) star ang kanyang naging pagtulong sa mga construction worker na kasalukuyang nasa University of the Philippines sa Diliman, Quezon City.

Kasama ang Your 200 Pesos fund drive staff, namahagi ang 27-anyos, may taas na 5-10 na dalagang balibolista ng 600 vegetable packs para sa mga construction workers sa campus.

Bukod soon, nagpa-merienda rin ang veteran opposite hitter at beauthy queen ng 100 bowls ng sopas, pandesal at juice sa mga frontliner naman ng Makati Police Sub stations 5 at 7.

Kalulunsad lang noong Abril ni Gumabao, katuwang ang kanyang boyfriend, sa Your 200 Pesos campaign fund.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?