59

Jul 9, 2019 @ 14:53
By

Gumabao, Creamline papaluin ang Game 1

Gumabao, Creamline papaluin ang Game 1

Wala nang kiyeme. Banat agad!
Ito ang nasa kukote nina Thai import Kuttika Kaewpin, team captain Alyssa Valdez, Michele Gumabao at Creamline Cool Smashers asa pagdepensa ng kanilang korona sa Game 1 ng best-of-three Finals kontra PetroGazz Angels alas-tres Miyerkoles ng hapon sa Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference sa FilOil Flying V Centre.

Hindi nagpaawat ang Cool Smashers nitong Game 2 semifinals noong Sabado kontra Pacific Town Army 25-12, 25-18, 25-13 para muling makabalik sa finals ng torneo.

Sanib pwersa para sa Creamline sina Thai import Kuttika Kaewpin at Valdez na may 12 at 11 puntos, katuwang sina Michele Gumabao na may walong puntos at setter Jia Morado na may 16 excellent sets.

“Start of the season pa lang, our goal is really to be in the finals. Actually, winning the championship is one of our goals, but winning it happily and really all together as a team, it’s really our ultimate goal,” pahayag ni Valdez.

“We hope to learn no matter what happens in the finals. We’re going to stick together and fight as a team.”

Bago ang laban sa pagitan ng Creamline at PetroGazz ay maghaharap muna para sa battle for third place ang Pacific Town Army kontra BanKo Perlas sa alas-3 ng hapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?