102

Sep 14, 2019 @ 17:27
By

Gumabao, Creamline lalo pang bumangis

Walang Alyssa, walang problema!

Hindi natinag ang Creamline Cool Smashers kahit wala ang kanilang pambatong si volleyball superstar Alyssa Valdez.

Nagtulungan sina setter Jia Morado, Filly Cainglet-Cayetano at Michele Gumabao upang tulungan ang Cool Smashers na walisin sa tatlong sets ang Chef’s Classic, 25-11,25- 14, 25-21 Sabado sa first game ng Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Hindi nakapaglaro si former ‘Queen Eagle’ Valdez dahil nagkaroon ito ng ankle injury.

“Happy naman kami na ‘yung hardwork namin sa training, ‘yung mga patayan namin with coach Tai nagpe-payoff naman at we’re happy na lahat kami nakalaro,” saad ni Morado, nagtala ng 28 excellent sets sa kanyang huling laro sa Creamline.

Nakatakdang tumungo si Morado sa Thailand para sumali sa National Team.

“I think everyone was able to pitch in and contribute sa points din,” ani Morado.

Malinis sa siyam na panalo ang Cool Smashers habang nalasap ng Chef’s Classics pang-walong sunod na talo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?