17

By

Gulong ng motorsiklo, dagdag-kita sa mga magsasaka

Sharing is caring!

Sa pagpasok ng bagong taon, posibleng simulan na ng mga rubber farmer sa bansa na gumawa ng mga gulong ng motorsiklo.

Ito ang sinabi ni Agriculture Sec. Manny Piñol at aniya nakipagkasundo na ang Philippine Rubber Farmers’s Assoc., sa Leo Tire Manufacturing Corp., para sa mga goma na gagamitin sa paggawa ng mga gulong ng motorsiklo at maliliit na traktora.

Ayon pa kay Piñol ang gulong ay tatawaging ‘Pilipinas Agila’.

Dagdag ng kalihim ang mga magsasaka na rin mismo ang mag-aalok ng mga gulong sa mga may-ari ng motorsiklo at traktora.

Sa ganitong paraan, ayon pa sa kalihim, ay may proteksyon na ang mga magsasaka sa mga negosyante na bumabarat sa presyo ng goma.

Limitado muna sa mga gulong ang gagawin at ibebenta ng mga magsasaka dahil ito ang mabili sa merkado.

Banggit ni Piñol, mula sa P100 kada kilo may isang dekada na ang nakakalipas, bumaba na sa P25 kada kilo ang presyo ng goma kayat maraming magsasaka ang pinatay na ang kanilang rubber trees at nagtanim na lang ng iba.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?