54

Apr 14, 2021 @ 17:47
By

Gulong ng kotse nabutas sa pustiso, viral!

“Kung sino man ang may-ari ng pustiso na nakabutas sa gulong ko, pm lang please para maisauli ko.”

Ito ang biro ng netizen na si Leo Padilla-Ricarte, mula sa Iligan City, Lanao del Norte, matapos mabutas ang gulong ng sasakyan niya nang matusok ng pustiso noong Lunes, Abril 12.

Ayon kay Ricarte, pauwi na siya nang mapansin sa side mirror ang isang kulay orange na bagay na nakadikit sa gulong niya.

Pagbaba ay napansin niya na isa pa lang pustiso ang nakabaon sa gulong niya.

Pagtanggal niya rito ay nabutas na ang kanyang gulong.

Viral ang Facebook post niya, na may mahigit 6,000 reactions at 11,000 shares na.

PANAWAGAN: Kang kinsa ning postiso ni buslot sako ligid, pm lang pls kay ako iuli..

Note: Wala nako naligsi ang tag-iya ha.. simbako!

Posted by Leo Padilla-Ricarte on Monday, April 12, 2021

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,