148

Nov 29, 2017 @ 15:26

Gulo sa PBA, ‘di pa rin natapos

Muli umanong nahaharap sa balag ng alanganin ang paparating na 43rd season ng Philippine Basketball Association (PBA) matapos hindi umano siputin ng mga kinatawan ng limang team ang pagpupulong sana ng mga team owners dahil sa mariin pa ring pagsuporta sa pananatili ni Commissioner Chito Narvasa sa liga.

Ayon sa Spin.ph, pinatawag umano ng ilang team owners ang pagpupulong upang wakasan sana ang hidwaan na nagsimula sa kontrobersiyal na trade ng San Miguel at KIA na inaprubahan ni Narvasa.

Ang mga kinatawan umano ng pitong team na tutol sa pagpapanatili kay Narvasa sa liga ang pumunta sa pagpupulong na sina Manny V. Pangilinan ng TNT KaTropa, Meralco, at NLEX; Wilfred Uytengsu ng Alaska; Terry Que at Raymund Yu ng Rain or Shine; Dioceldo Sy ng Blackwater; at Dennis Uy ng Phoenix.

Hindi umano sumipot sina San Miguel Corp. big boss Ramon S. Ang; Mikee Romero ng GlobalPort at Jose Alvarez ng KIA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?