By

Gulo sa ASEAN Music Fest, iniimbestigahan na

Sharing is caring!

Patuloy ang imbestigasyon ng Southern Police District (SPD) sa nangyaring gulo kagabi sa ginawang ASEAN Music Festival sa Ayala Triangle, Makati City.

Ayon kay National Capital Region Police Office Chief Police Director Oscar Albayalde, mga reports pa lamang ang kanilang natatanggap at wala pang inisyal na resulta ang imbestigasyon.

Inihayag naman ni Albayalde na dahil sa maliit ng espasyo ng lugar at kawalan ng LED screens kaya sumobra ang tao sa loob ng Ayala Triangle at nagkagulo.

“Nagkataon na ‘yung venue hindi kaya ‘yung dami ng tao at saka ‘yung walang LED screens kaya ‘yung mga tao nagpumilit pumunta sa harap,” sabi ni Albayalde.

Batay naman sa ulat ni Dr. Gloria Balboa ng Department of Health, 50 indibiduwal ang naging biktima ng kaguluhan, walo rito ay nagtamo ng sugat sa kanilang katawan.

Habang 42 indibiduwal ay nakaranas ng hirap sa paghinga, nerbiyos, at high blood pressure.

Nagamot naman agad ng mga rumespondeng rescue team ang 50 biktima kaya wala nang naisugod sa ospital. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?