103

By

Guilty! – Jaybee Sebastian sa kasong sangkot sina De Lima at Bucayu

Sharing is caring!

Naghain ng gulty plea sa Korte ang suspected drug lord na si Jaybee Sebastian kaugnay sa kasong conspiracy to trade drugs na kinakaharap nito sa Korte.

Kasama ni Sebastian sa kaso sina Senadora Leila de Lima, dating Bureau of Corrections Chief Franklin Bucayu , dating driver-bodyguard ni de Lima na si Ronnie Dayan at dating aide na si Joenel Sanchez.

Humarap umaga ng Martes, Setyembre 4, sa korte si Sebastian at matapos basahan ng sakdal ay naghain ito ng guilty plea sa Muntinlupa Regional Trial Court branch 206.

Nahaharap si Sebastian sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o conspiracy to trade drugs.

Matatandaang si Sebastian ang nagbunyag sa umano’y illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison para lumikom ng pondo para sa senatorial bid ni de Lima noong 2016.

Mariin namang itinanggi ng senadora ang bintang sa kanya ni Sebastian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?