26
TNT-ABANTE-TONITE.-camera-media-coverage
By

Guidelines sa media coverage, inilalatag ng Kamara

Isinusulong ng liderato ng Kamara ang pagtatakda ng guidelines sa coverage ng media sa mga aktibidad ng mga kongresista sa loob ng Kamara.

Sa press conference, sinabi House committee on public information chairman Ben Evardone na naghain ng resolusyon si Antipolo City Rep. Chiqui Roa-Puno na humihiling na i-adopt sa plenaryo ang guidelines bilang bahagi na ng panuntunan ng kapulungan.

Pero nangangamba si Evardone na masikil ang coverage ng media sa Kamara dahil sa guidelines kaya nais niyang ikonsulta muna ito sa stakeholders gaya rin ng naisin ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

“Halimbawa, bawal mag-interview diyan sa lobby. Kung foreign stringer ako, sa wires, bago ako makapag-cover dito, hingi muna ako ng endorsement from embassy tapos ipo-process. It might restrict your access to securing vital information dahil maraming pasikut-sikot. Hindi naman masamang magkaroon ng guidelines pero kung to the point na mape-prevent kayo in your efforts to secure necessary information, eh parang hindi maganda ‘yun,” sabi ni Evardone.

“Mabuti rin ‘yung decision ng ating butihing Speaker na i-consult muna sa committee, sa mga stakeholders. Don’t worry. As far as I’m concerned, hindi natin ilalabas ‘yun kung hindi agree ang lahat. Hindi mo puwedeng ikahon ang reporter… I will assure you that it will not happen. If that is the intention, we will not allow that,” dagdag ng kongresista.

Nilinaw naman ni Roa-Puno na hindi layon ng inihain niyang resolusyon na sikilin ang kalayaan sa pamamahayag.

Paliwanag ng mambabatas, hindi ito katulad ng mga panuntunan na itinakda sa ilalim ng liderato ni dating Speaker Pantaleon Alvarez.

“We have revised the version first presented to media during Alvarez’ time. The current version went through consultations even with media members and please be assured it does not in any way curtail press freedom. As a media practitioner, I made sure of it. This is just for the safety of both members and media members and also to safeguard order and security within the house,” pahayag ni Roa-Puno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?