121

May 14, 2020 @ 15:21
By

Guidelines sa MECQ inilabas ng Supreme Court

Nagpalabas ang Supreme Court (SC) ng panibagong guidelines na susundin ng mga korte sa ilalim ng ipatutupad na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula Mayo 16.

Sa ilalim ng bagong SC MECQ guidelines, lahat ng korte sa ilalim ng MECQ ay mananatiling nakasara hanggang Mayo 31 pero maaari namang magbigay ng komunikasyon sa pamamagitan ng telepono, email. Sila ay nag-o-operate mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Lahat umano ng electronic communications ay tatanggapin mula alas-8:30 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon.

Para sa general guidelines, ang pag-raffle ng kaso ay isasagawa electronically o sa pamamagitan ng videoconferencing. Ang panahon ng filing ay ini-extend ng 30 araw pagkatapos ng Mayo 31.

Pinapayagan din ang civil weddings pero may kondisyon at ang pagpupulong, flag raising at retreat ay nanatiling suspendido

Patuloy rin ang SC na tatanggap ng petitions, pleadings electronically. Ang pagsusulat ng desisyon ay ini-extend hanggang Mayo 31. Ang mga special en banc at division sessions ay maaaring isagawa. Magkakaroon din ng work from home pero ang ibang staff ay oobligahin na pumasok.

Ang Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals ay patuloy na tatanggap ng petitions, pleadings electronically.

Ang mga hearings ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng videoconferencing at patuloy rin ang paggawa ng Justices ng draft decisions, orders, na iiisyu kapag fully operational na ang korte.

Samantalang ang regional trial courts, family courts, first level courts ay patuloy na tatanggap ng pleadings online, awtorisado rin ang pagdinig sa mga kasong kriminal sa pamamagitan ng videoconferencing.

Ang ibang korte ay hindi awtorisado na magsagawa ng videoconferencing at papayagan lamang kung may kondisyon.

Nananatiling nakasara ang night courts at Saturday courts, at ang mga testimonya ng testigo na kinuha sa pamamagitan ng videoconferencing ay tatratuhin bilang to deposition sa oral examination.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?