37
Guiao sinisi ang referee sa pagkatalo ng NLEX
By

Guiao sinisi ang referee sa pagkatalo ng NLEX

Nainis si Joseller ‘Yeng’ Guiao na natalo lang ang NLEX dahil sa krusyal na tawag ng referee na foul ni rookie Kyles Lao laban kay Nico Elorde ng NorthPort sa huling 52 seconds sa PBA Commissioner’s Cup elims, Sabado ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Iwan lang ng dalawa ang team ni Guiao bago ang pinitong foul sa newcomer niyang player sa umano’y pagbangga kay Elorde.

Nilaban ng Road Warriors coach ang call, pero nabigyan siya ng technical foul na sinablay ni Elorde sa free throw saka sinalpak ang dalawa kay Lao pa-final tally, 83-79.

“I don’t think the foul on Kyles (Lao) was something that you should call on a situation like that,” giit ng bench tactician.

“I’m not surprised that people are complaining about the officiating. My problem with that call is Eric (Castro) justified it. I think that’s stupidity. They justified it by saying there was contact. The problem is, not all contacts are foul. So to me that is a stupid way to justified that.”

Hinalimbawa ni Guiao ang paulit-ulit aniyang kontak ni Sean Anthony sa likod ng player niyang si Kenneth Ighalo, pero pinababayaan lang ng mga reperi.

Gayunman, masaya pa rin si Guiao dahil may tsansang masilat ng Road Warriors ang Batang Pier hanggang sa dulo sa kabila na all-Pinoy sumalang dahil ‘di nakalaro ang may kulang pa sa papeles niyang si Tony Mitchell.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?